Pausa

f. Pagtigil; paghintóng sandalî sa anománg gawâ ó kilos.

Kabagalan; kahinayan.

Pausar

n. Tumigil; humintô sa anománg kilos ó gawâ.

Pauta

f. Ang papel na may guhit na gamit ng mga batà sa pagaaral ng pagsulat; at ang kasangkapang pangguhit sa papel na itó.

fig. Huwaran; parisán.

Pautar

a. Guhitan sa pauta ang papel; ó magpauta ng papel.

fig. Magtakdâ, ó maglagáy ng pátakaráng susundín sa paggawâ ng anomán.

Pavada

f. Pabuhán; ó kawan ng pabo.

Pavero, ra

m. y f. Ang nagaalagà ng mga pabuhán; ó nagbibilí ng pabo.

Pavimento

m. Alinmáng sahíg na bató ó lariyó ng isáng bahay ó gusalì.

Pavonear

n. y r. Magparangalan; magmagalíng; magpalalô dahil sa gandá, yaman, at ibá pa.

Pavor

m. Takot na malakí; sindák.

Payaso

m. Ang mapagpatawá, ó mapagsisté sa alinmáng kasáyahan; ó payaso.

Paz

f. Kapayapàan; katahimikan; katiwasayán ng loób.

Katahimikan; kapayapàan; kapanatagán ng bayan ó kaharian.

Pagkakásundô; pamamáyapà.

Pe á pa (De)

m. adv. Lubós; buô; buhat sa simulâ hanggáng katapusán.

Peaje

m. Ang buwís na ibinábayad sa pagdaraán sa isáng lugál, ó sa paglalabás at pagpapasok ng kalakal.

Peajero

m. Ang naníningíl ng buwís sa nagdaraán, ó sa kalakal na lumálabás at pumápasok.

Peana ó Peaña

f. Ang tuntungang kinálalagyan ng alinmáng larawan.

Ang tuntungang nasa haráp ng dambanà ó altar.

Pebre

m. Isáng bagay na sawsawang may pamintá, bawang at sukà.

Peca

f. Pekas ng mukhâ; ó anán.

Pecable

adj. Magkakásala; ó magyayaring magkásala.

Pecado

m. Sala; kasalanan.

Ang kalabisán sa anomán.

fam. Ang diablo; ó tuksó.

Pecador, ra

m. y f. Ang makasalanan; ó nagkásala.

Ang maáaring magkásala.

Pecar

n. Magkásala; ó sumalangsáng sa utos ng Dios.

Magkásala; ó magkulang sa anománg katungkulan, ó kautusáng sinúsunód.

Pecera

f. Sisidlang bubog na pábiyayan ng mga isdâng sarisaring kulay.

Pechera

f. Kapirasong kayo na ipinanánakíp sa dibdíb.

Petsera ng barò.

fam. Ang labás ng dibdíb, lalò na sa babae.

Pecho

m. Dibdíb.

Suso ng babae.

fig. Ang kalooban ng tao.

Tapang; lakás ng loób; katiyagâan.

Pechuga

f. Ang pitsó ng ibon ó ng manók.

fig. y fam. Ang dibdíb ng tao.

Pecina

f. Tangkéng pabiyayan ng isdâ.

Pectoral

adj. Ang náuukol sa dibdib.

Ang mabuti sa dibdib.

m. Ang kurús na isinásabit sa dibdib ng mga obispo, na tandâ ng gayóng karángalan.

Peculiar

adj. Ang sarili ng bawà’t bagay.

Peculio

m. Pasarili; ó ang pagaarì ó salapîng ipinahíhintulot ng magulang ó panginoón na gamitin ó ipangalakal ng anák ó alilà.

fig. Ang salapîng sarili ng bawà’t isá.

Pedagogía

f. Kagurùan; ó dunong at sining ng pagtuturò sa kabatàan.

Pedagógico, ca

adj. Ang náuukol sa pedagogía ó sa pagtuturò sa kabatàan.

Pedante

m. Mapagdunungdunungan.

Ang guròng nagtuturò ng gramátika sa baháybaháy.

Pedantear

n. Magdunungdunungan; magpanggáp na marunong.

Pedantería

f. Pagdudunungdunungan; ó pagpapanggáp na marunong.

Kamangmangán.

Pedazo

m. Kaputol; ó kapiraso ng anomán.

Limpák ng karné ó isdâ.

Pidpíd ng kahoy.

Tipák ng anománg bagay na matigás.

Pedernal

m. Batóng pingkîan.

fig. Ang katigasáng malabis ng anomán.

Pedestal

m. Tuntungan.

fig. Ang batayáng pinanínibayan sa anománg bagay.

Pedestre

adj. Ang lakád; ó naglalakád.

fig. Karaniwan; hamak; ó taong mababà.